MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang ginang na tumatayong witness sa isang kaso na isinampa sa Ombudsman ang naaresto sa San Pedro City, Laguna.
Kinilala ang gunman na si alyas “Peria”, 33, porter, tubong Ilagan City, Isabela na naaresto sa kanyang tahanan sa Southville 3A, Barangay San Antonio.
Si alyas Peria ay positibong kinilala ng nag-iisang saksi na kasama ng pinatay na si Phoebe Dawn Marie Monton.
Umamin si Peria na siya ay dating miyembro ng New People Army (NPA) bago naging gun-for-hire at inupahan sa halagang P30,000 para itumba si Monton noong Hunyo 24 nang dumalo sa isang court hearing sa Bian Municipal Trial Court City Justice Hall sa Barangay Canlalay, Bian City, Laguna, pasado alas-10:10 ng umaga.
Anya,tinanggap niya ang trabaho dahil sa kawalan ng pera at hindi niya alam ang dahilan kung bakit nais ipapatay si Monton.
Isang malaliman ang isinasagawa ng pulisya upang makilala ang utak at motibo ng pagpatay kay Monton.
Nabatid na si Monton ay tumatayong saksi sa isang kaso na isinampa noong Nobyembre 2024 sa Office of the Ombudsman tungkol sa iregularidad ng konstruksyon ng Ospital ng Bian o OSBIN.