Hall of fame | Pilipino Star Ngayon


Nasa Boxing Hall of Fame na si Manny Pacquiao.

No question.

Siya lang ang one and only boxer sa planeta na nanalo ng world title sa walong weight divisions – mula mini-flyweight na 108 pounds hanggang super-welterweight na 154 pounds.

Most exciting fighter para sa akin at kung wala lang kokontra, greatest of our generation.

Wala na rin sigurong makakagawa niyan sa boxing.

At sa kanyang induction nung Linggo sa New York, siya lang ang active fighter na nasa listahan.

Normally kasi, dapat eh retired ka na or inactive ng three years para ka ma-induct sa Hall of Fame. Well, retired na si Pacquiao at inactive for four years nung mailagay ang pangalan niya.

Kaso nga, iniwan niya ang mundo ng retirement at muling lalaban sa July 19 laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios ng Mexico.

In short, natuloy ang induction.

Ikatlong Pinoy boxer pa lang si Pacquiao sa Hall of Fame after Flash Elorde nung 1993 at Pancho Villa nung 1994. May isang pang Pinoy, ang promoter na si Papa Sarreal, nung 2005.

Madagdagan pa sana.