September 2, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Masaya si Tokyo Olympics gold medallist Hidilyn Diaz sa nabibigyang-pansin na sa Pilipinas ang weightlifting na isa sa mga sports na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga international competitions.
Patunay nito si Diaz na siyang sumungkit ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games na naisakatuparan nito noong 2021 sa Tokyo, Japan.
Kaya naman umaasa si Diaz na patuloy na lalago ang weightlifting sa pamamagitan ng pagpapalakas sa programa para dito.
Isa na rito ang pagsama sa weightlifting sa Palarong Pambansa bilang demonstration sport.
“I thank God for the progress we’ve seen in weightlifting. From starting as a demo sport in the Palarong Pambansa and struggling to hold seminars across the country without proper equipment,” ani Diaz sa kanyang post sa social media.