High quality…Farm ready GG seedling corp.


ANG MAGSASAKANG REPORTER — Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

November 25, 2025 | 12:00am

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa sa napakagandang farm na aking napuntahan na nagbebenta ng high quality na punla ng iba’t ibang green leafy vegetables, fruit bearing trees at flowering plant sa Bulacan.

Ang aking tinutukoy ay ang Farm Ready GG Seedling Corporation na makikita sa 9038 Balubaran St., Brgy. Capihan San Rafael Bulacan.

Ang Farm Ready ay subsidiary ng East West Seed Philippines, ang una at pinaka-malaking professional seedling nursery sa bansa.

Nabatid na ang Farm Ready ay nasa 17-taon na ang serbisyo at nagpo-produce ng de kalidad na punla sa mga magsasaka at urban gardener sa bansa.

Ayon kay Agriculturist Josephine Ramos,  production head ng Farm Ready, ang kanilang kumpanya ay nagsimula noong 2008 na may lawak na apat na ektarya.

Malalaki at napakaganda ng mga greenhouse ng Farm Ready na all year round ay nakakapag-produce ng high quality na seedlings para sa kanilang mga parokyano.

Moderno at makabagong teknolohiya ang pamamaraan ng Farm Ready sa kanilang pagpapatubo ng punla.

Sa Farm Ready ko lang nakita ang pinagsamang kamatis ang ibabaw at talong ang ugat na kung tawagin ay kamlong.

Mayroon din silang ampalaya ang ibabaw at patola ang ilalim na kung tawagin ay ampatola.

“Para sa ating mga Ka-Farmer na patas kung lumaban, hindi pwede ang ‘pwede na’.Dapat Farm-Ready! Kalidad na punla, alaga sa world-class greenhouse, at pinagtibay ng East-West Seed technology,” ani Josephine.

Para sa mga katanungan at orders, tawag lang sa hotline: 0917-5435189 o magpadala ng mensahe sa kanilang FB page na Farm Ready.

“Get your high quality, Ready to plant, Ready to grow at Ready to harvest seedlings sa Farm Ready,” sabi pa ni Josephine.

Nagka-conduct din ng free seminar ang Farm Ready sa mga paaralan, barangay, kooperatiba at organisasyon na nais matuto na magtanim ng sariling pagkain.

Ang Farm Ready ay matagal na ring tumutulong sa programang Gulayan sa Paaralan ng Department of Education (DepEd).

Ngayong Linggo, November 30, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Josephine Ramos sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po ninyong manood at mapakinggan  sa aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe, at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Nga-yon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.