December 17, 2025 | 12:00am
SA panahong uso ang papogi, press release, at paandar, mabilis mo ring makikilala kung sino ang puro yabang lang at kung sino ang may silbi talaga.
Sa Unang Distrito ng Surigao del Sur, malinaw sa tao ang kaibahan. Kapag serbisyo ang usapan, isang pangalan ang paulit-ulit na binabanggit—Rep. Romeo S. Momo Sr!
Hindi siya ‘yung tipong maingay sa mikropono. Mas kilala siya sa kilos, sa abot-kamay na tulong, at sa trabahong ramdam ng ordinaryong tao sa katawan kapag may sakit, sa bulsa kapag gipit, sa eskwela ng anak, at sa kalsadang araw-araw mong dinaraanan.
Simple lang ang prinsipyo ni Momo, kung may sakit ang tao, dapat may matatakbuhan. Kaya tuluy-tuloy ang medical assistance, suporta sa health centers at ospital, at tulong-pinansyal sa pambili ng gamot at gamutan.
Hindi ito pang-presscon. Ito’y tulong na diretso sa pamilyang isang karamdaman lang ang layo sa pagkakabaon.
Habang ang iba ay busy sa tsismis at paninira, siya ay busy sa paghanap ng pondo para buhay ang mailigtas. Dahil malinaw ang paninindigan ang kalusugan ng tao, hindi dapat ginagawang laruan ng politika.
Pagdating sa edukasyon, diretsahan ang tama. Paano aangat ang bayan kung ang bata, tinutulak pababa? Kaya hindi tinipid ang scholarships, educational assistance, at suporta sa mga paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo.
May mga gustong sumawsaw, may mga gustong humarang, lalo na kung hindi sila ang may hawak ng kredito. Pero sa mata ng mga magulang at estudyante, malinaw kung sino ang totoong kakampi ng edukasyon ‘yung tumutulong kahit walang kamera, kahit walang palakpakan.
Ayaw ni Momo ng puro plano, drawing, at pangako. Ang gusto niya semento, bakal, at proyektong napapakinabangan. Maayos na kalsada, matibay na tulay, at imprastrakturang tumutulong sa kabuhayan lalo na sa mga barangay na matagal nang nakalimutan.
Oo, may mga humahadlang. Mga sanay sa ingay pero walang maipakitang resulta. Pero gaya ng dati, trabaho ang sagot niya sa intriga. Sa bawat proyektong natatapos, lalong lumilinaw kung sino ang puro kontra at kung sino ang tunay na may malasakit.
Hindi perpekto ang serbisyo publiko, at hindi rin madali ang laban. Sa likod ng mga nagawang proyekto ay ang tuluy-tuloy na banggaan sa mga interesadong mas inuuna ang sarili kaysa bayan.
May mga natalo sa halalan na hirap tanggapin ang hatol ng tao, kaya imbes magtrabaho, mas piniling humila pababa. Pero malinaw ang sagot ng kasaysayan at ng komunidad ang tunay na panalo ay yung patuloy na pinaglilingkuran ng taumbayan.
Ang lakas ni Momo ay hindi galing sa posisyon, kundi sa tiwala ng kanyang mga nasasakupan tiwalang hinubog ng presensya, pakikinig, at agarang aksyon. Walang yabang. Walang drama. Trabaho lang.
Sino ang nariyan kapag kailangan ka? Habang ang iba ay abala sa pulitika ng galit at inggit, si Momo ay nananatiling nakatuon sa pulitika ng malasakit para sa kalusugan ng katawan, kinabukasan ng kabataan, at kaunlaran ng buong Unang Distrito.
Dahil ang tunay na lider, hindi kailangang sumigaw para pakinggan. Sapat na ang kanyang nagawa. At sa mata ng taumbayan, malinaw, ang gawa pa rin ang tunay na sukatan ng liderato.