Hoy, gising! | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

October 16, 2025 | 12:00am

Parang baliktad ang tingin ko sa team standings ng PBA Philippine Cup.

Imbes na nasa taas, kulelat ang defending cham­pion San Miguel Beer matapos matalo sa first two games.

Winless din ang Meralco sa 0-2 at Ginebra sa 0-1. Maaga pa naman pero so far, Converge at Blackwater ang nasa itaas.

According to Fidel Mangonon, ang hepe ng PBA stats, first time in 15 years na nag 0-2 ang SMB sa all-Filipino.

That means first time rin nila since pumasok si June Mar Fajardo sa team ‘nung 2012.

Last July lang nag-champion ang SMB sa Philippine Cup nang talunin nito ang TNT sa finals in six games.

Kaya ewan ko bakit mabilis nagbago ang ihip ng ha­ngin. Kailangan gumising ang Beermen habang maaga.

Mabigat pa naman ang parating na games nila kontra Rain or Shine sa Oct. 19, Ginebra sa Dubai sa Oct. 26 at Converge sa Nov. 2 matapos ang Undas.

Solid stretch ‘yan para sa Beermen. No easy game.

Maganda sana if ipanalo nila ang next three games or at least dalawa dito. Pero kung olats, kung lasma bekata, dehins good news ‘yan.

Baka maaga maghanda ng kandila ang SMB fans.