Fines at suspensions ang pinakain ni PBA commissioner Willie Marcial sa ilang players at officials dahil sa kaguluhan sa Philippine Cup game ng Magnolia at Meralco nung Wednesday sa Ninoy Aquino Stadium.
Mainit ang game na pinanalo ng Magnolia. Maaga pa lang, tumba dito tumba doon ang players. Akala mo eh nasa wrestling match sila Calvin Abueva, Reymar Jose at Cliff Hodge.
Rugged ang laro kaya nung last two minutes, dehins ako nagtaka na halos maghalo ang balat sa tinalupan.
Dangerous foul ni Hodge ng Meralco kay Zav Lucero ng Magnolia ang nagsimula. Halos mabali ang leeg ni Lucero sa ginawa ni Hodge. Kaya naman nagkagirian ang both teams.
Pero upon replay, nakita kung sino ang mga salarin.
One game suspension at tumataginting na P100,000 ang fine ni Hodge. Malaking halaga. Pwedeng down payment sa isang magandang kotse.
Si Mon Jose, isang assistant coach ng Magnolia, ay na-suspend din ng one game at fined ng P20,000 dahil sa headbutt kay Hodge.
At hindi dyan natapos. Pati si deputy commissioner Eric Castro at technical head Bong Pascual eh na-suspend ng one game each dahil lumusot sa kanila na i-upgrade ang foul ni Hodge kay Lucero to a flagrant Penalty 2 from Penalty 1 kahit ilang beses nila pinanood ang replay.
Dapat, thrown out si Hodge. Dehins sila pinalusot ni Kume.
Ngayon lang yata na-suspend si deputy kume.
Ganyan talaga ang buhay.