Ika-2 sunod tutusukin ng Pirates


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 7, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Lyce­um of the Philippines Uni­ver­sity ang kanilang unang back-to-back wins sa pag­hahamon sa nagdedepensang Mapua University sa second round ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament.

Nakatakda ang salpukan ng Pirates at Cardinals ngayong alas-12 ng tanghali kasunod ang banatan ng St. Benilde Blazers at San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Solo ng University of Perpetual Help System DALTA ang liderato sa Group A hawak ang 8-1 kar­tada sa itaas ng Ma­pua (4-5), Arellano (3-6), San Se­bastian (2-7) at Ly­ceum (2-7).

Tabla naman sa itaas ng Group B ang St. Benilde at San Beda sa pareho ni­lang 6-3 marka kasunod ang Jose Rizal University (5-4), Letran (5-4) at Emilio Agui­naldo College (4-5).

Umiskor ang Pirates ng 78-66 pagbugbog sa Red Lions tampok ang 24 points ni Joshua Moralejo.

“Sobrang saya, actually, kasi gaya nga ng last year ta­lagang unpredictable ka­mi. So kahit sino puwedeng maging best player. This season, parang ayun ‘yung na­wala sa amin eh,” sabi ni Moralejo.

Nakalasap naman ang Cardinals ng 65-75 ka­bi­gu­an sa Blazers sa ka­nilang finals rematch.

Sa ikalawang laro, pun­tirya ng Blazers ang ikatlong sunod na panalo sa pag­harap sa Red Lions.

Nasa isang two-game winning run ang St. Benilde.

Nakatikim ang San Be­da ng dalawang dikit na ka­­­malasan.