October 21, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tutusukin ng Colegio de San Juan de Letran ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa nagdedepensang Mapua University.
Magtutuos ang Knights at Cardinals ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang salpukan ng Jose Rizal Heavy Bombers at Lyceum Pirates sa alas-2:30 ng hapon sa crossover eliminations ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.
Nangungunra ang University of Perpetual Help System DALTA sa Group A hawak ang 5-1 kartada kasunod ang Mapua (3-2), Arellano (3-3), San Sebastian (1-5) at Lyceum (0-5).
Solo ng San Beda ang liderato ng Group B tangan ang 4-1 baraha sa itaas ng Season 100 runner-up St. Benilde (3-2), Letran (3-3), Jose Rizal (3-3) at Emilio Aguinaldo College (3-3).
Matapos ang 0-3 panimula ay tatlong sunod na panalo ang tinuhog ng Kights laban sa Generals, Altas at Pirates.
Nagmula naman ang Cardinals sa 70-79 kabiguan sa Red Lions.
Si rookie guard Titing Manalili ang muling babandera sa Letran kontra sa Mapua.