Jackpot! | Pilipino Star Ngayon


Nalagasan na naman ang PBA ng isang star player.

 Ang Best Player of the Conference awardee na si Arvin Tolentino.

 Yes, kumalas si Arvin sa NorthPort para maglaro sa Seoul SK Knights ng Korean Basketball League.

 Dehins mahirap ang desisyon.

 Mantakin mo, three-year contract ang inilatag sa mesa at nagkakahalaga ng P44 million.

 Parang Mega Lotto!

 Yes, mahigit P1.2 million a month ang sasahurin ni Arvin for the next three years. Malayung malayo sa PBA salary niya.

 Walang tataas sa P420,000 a month sa PBA kung kontrata ang pag-uusapan. Pero may mga pailalim na sahod na lumulusot.

 Anyway, instant millionaire or multi-millionaire si Arvin.

 Deserving naman gaya ng ibang mga Pinoy na tumatabo sa overseas leagues sa Japan at Korea.

 Nosi kaya ang susunod?