Jerusalem idedepensa ang WBC crown kay Kuse


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

August 30, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Idedepensa ni Melvin “El Gringo” Jerusalem ang kan­yang suot na World Bo­­xing Council (WBC) mi­nimumweight crown laban kay South Africaan challen­ger Siyakholwa Kuse sa Oktubre 29 sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Ang bo­xing event ay pag­gunita sa 50th anniversary ng ma­kasa­ysayang heavyweight clash nina bo­xing le­gends Muhammad Ali at Joe Frazier na idi­naos sa Big Dome.

Tinalo ni Ali si Frazier.

Ito ang ikatlong pagkakataon na ipagtatanggol ni Jerusalem ang kanyang WBC title.

Inagaw ni Jerusalem ang WBC belt kay Japanese Yudai Shigeoka via split decision noong Marso 31, 2024.

Matagumpay niya itong naidepensa kay Mexican Luis Castillo noong Set­yem­bre sa Manila at sa re­match nila ni Shigeoka no­ong Marso sa Japan.

Bitbit ng 31 anyos na si Jerusalem ang 24-3-0 win-loss-draw rting record ka­sama ang 12 knockouts, habang dala ng 22-anyos na si Kuse ang 9-2-1 (4 KOs) card.

Si dating International Boxing Federation (IBF) champion Daniel Valla­dares ang orihinal na lala­ba­nan ni Jerusalem.

Ngunit nagkaroon ng problema ang Mexican sa kanyang visa issues kaya ang South African challenger ang napiling harapin ng Pinoy title-holder.

Nagmula si Kuse sa 10-round unanimous decision win kay Samuel Salva.