February 26, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Malaking kawalan si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas na naramdaman ng husto sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Lumasap ang Pinoy squad ng dalawang sunod na kabiguan sa kamay ng Chinese-Taipei at New Zealand.
Dahil dito, nahulog sa No. 2 spot ang Gilas sa final standings sa Group B tangan ang 4-2 marka.
“This was important for seeding, so we really wanted to get that seeding. But that’s now going to go to New Zealand. We’re going to have a tougher road through that Cup. That’s something that’s uppermost in our minds as well,” ani Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
Kaya naman gagawa ng bagong plano si Cone upang mapunan ang naiwang puwesto ni Sotto na kasalukuyang nagpapagaling matapos sumailalim sa operasyon dahil sa torn anterior cruciate ligament (ACL).
Malaki ang papel ni Sotto sa rotation ng Gilas.
Isa ito sa inaasahan sa scoring at rebounding na siyang naging dahilan para makuha ng Gilas ang 93-89 panalo laban sa New Zealand sa second window noong Nobyembre sa Mall of Asia Arena.
Sa naturang laro, nagtala si Sotto ng 19 puntos, 10 rebounds, pitong assists at dalawang blocks para gulantangin ang Tall Blacks.
“Idaraos ang FIBA Asia Cup sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
