Kakaibang uri ng kape sa Sweden, nilalagyan ng keso imbis na creamer!


PANGKARANIWAN na ang maglagay ng gatas o cream sa kape, pero alam n’yo ba na sa northern region ng Sweden, keso ang inihahalo nila sa mainit na kape?

Ang weird na kape ay tinawag na “kaffeost,” isang tradisyunal na inumin kung saan nilalagay ang pinirasong “Leipäjuusto”, sa mainit na tasa ng kape.

Gawa ang leipäjuusto mula sa gatas ng reindeer. Ma­lambot ito, manamis-namis, at may spongy texture.

Dahil sa texture nito, mabilis nitong naa-absorb ang kape matapos lamang ng ilang minutong pagbabad. Dahil dito, nagiging makrema ang kape, pero may natatanging tamis at alat mula sa keso.

Malalim ang ugat ng kaffeost sa kultura ng mga Sami, ang mga reindeer herder sa hilagang Sweden at Finland.

Sinasabing natuklasan nila ang kakaibang kombinasyong ito para solusyonan ang kakula­ngan ng kanilang katawan sa sodium. Nakakapagbigay din ito ng dagdag na init at lakas sa mahahaba nilang paglalakbay sa malamig na lugar.

Sa ngayon, sumisikat na ang kaffeost sa mga coffee shop sa mga siyudad ng Sweden at maging sa ibang bahagi ng Scandinavia. May mga moder­nong bersiyon na rin ito gamit ang keso mula sa baka o kambing, bukod sa tradisyunal na keso ng reindeer.