MANILA, Philippines — Ang paglapit sa tiket sa Top Four ang hangad ng TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra sa krusyal na laro sa PBA Season 49 Philippine Cup.
Maghaharap ang Tropang 5G at Gin Kings ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang ‘no bearing’ game ng mga sibak nang Blackwater Bossing at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Solo ng NLEX ang liderato tangan ang 8-2 record kasunod ang San Miguel (6-2), Magnolia (7-3), TNT (6-3), Ginebra (6-3), Ran or Shine (6-3), Converge (6-4), nagdedepensang Meralco (6-5) at mga talsik nang Phoenix (3-7), NorthPort (1-8), Blackwater (1-8) at Terrafirma (1-9).
Ang Top Four teams matapos ang eliminations ang makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
Nakuha na ang Road Warriors ng bonus.
“All we’re asking for is a chance and now we have a chance. But we all know how difficult that road is going to be. We’ll see what happens,” ani coach Chot Reyes sa Tropang 5G na nasa isang six-game winning streak matapos ang 0-3 panimula.
Huli nilang biniktima ang Dyip, 108-82.
Nagmula naman ang Gin Kings sa 85-81 panalo sa Hotshots sa kanilang ‘Manila Clasico’.
