MANILA, Philippines — Dalawang panalo ang kailangan ng mga Pinay spikers para makasampa sa semifinals ng 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam.
Tangan ang 2-1 record sa Pool B, dapat talunin ng World No. 47 Alas Pilipinas ang No. 29 New Zealand ngayon at ang No. 29 Kazakhstan bukas para umabante sa semis.
Matapos gibain ang Mongolia at Indonesia ay yumukod ang Nationals sa Iran, 25-16, 21-25, 26-24, 23-25, 13-15, noong Lunes.
“We’re going to improve and we still have a chance so we will fight for this and be ready for New Zealand and Kazakhstan,” ani Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito sa mga Pinay hitters.
Binanderahan ni Angel Canino ang Alas Pilipinas sa kanyang 21 points mula sa 17 kills, dalawang blocks at dalawang service aces kasunod ang 16 markers ni Eya Laure.
Hindi naglaro si Alyssa Solomon dahil sa kanyang sprained left ankle na nalasap niya sa fourth set sa kanilang panalo sa Indonesia.
May 3-0 kartada ang Kazakhstan habang dala ng New Zealand ang 0-2 baraha matapos ang magkadikit na kabiguan sa mga Kazakhs at Iranians.
Nasa Pool A ang nagdedepensang Vietnam (2-0), Chinese-Taipei (2-1), Australia (1-1), Hong Kong (1-2) at India (0-2). (