September 30, 2025 | 12:00am
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang maganda at napaka-organized na farm na kumpletos rekados na nabisita ng inyong lingkod sa Cavite.
Ang aking tinutukoy ay ang 168 Farm na makikita sa Purok 9, San Augustine, Trese Martires City, Cavite.
Ayon kay Alex L Ferrera, owner ng 168 Farm, bata pa lamang siya ay mahilig na sa pagtatanim at kahit saan makarating kapag may pagkakataon ay nagtatanim siya ng gulay para may maiulam sa tuwing kakain.
Si Alex ay graduate ng BS Industrial Technology, Major in Electrical Technology, dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi.
Aniya, limang taon siya sa Saudi at noong mag-for-good na siya sa Pilipinas ay nag-full time na siya sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas.
Sinabi ni Alex, pinagamit sa kanya ang mahigit 1,000 square meter na bakanteng lupa sa Purok 9 na likurang bahagi ng Skymark Shooping Mall na malapit din sa SM sa Trese Martires.
Nilinang ni Alex, inayos at bahagyang pinatag sa tulong din ng isang kaibigan saka nagtanim ng samu’t saring halaman.
Noong una ang intensiyon ni Alex ay malibre lamang sila ng kanyang pamilya ng pang-ulam.
Dahil nasa gilid lamang ng kalsada at nakikita ang magagandang tanim ni Alex ay marami ang bumibili ng kanyang mga tanim, na ang concept ay pick and pay.
Marami rin ang bumibisita kay Alex para magpaturo na magtanim sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Masaya namang ibinabahagi ni Alex ang kanyang karanasan at kahusayan sa pag-tatanim sa lahat ng gustong matuto.
Hanggang unti-unti siyang makilala na ngayon ay siya na ang Speaker, Pacilitator, Backyard Gardening, Container Farming, Hydroponics Farming Method sa buong bayan ng Trese Martires.
Si Alex din ang siyang head ng lay minister ng Ministry sa Pagsasaka Diyosis ng Imus.
Siya rin ang Vice Chairman Federation of Farmers sa probinsiya Cavite.
Halos lahat ng gulay na binanggit sa kantang Bahay Kubo ay natanim na ni Alex.
Pambato niya sa kanyang Farm ang iba’t ibang variety ng saging, dragon fruit, mulberry, papaya, buko, peruvian cactus, kamatis, sili, talong, cellery, okra at iba pa.
Mayroon din greenhouse si Alex para sa kanyang hydroponics lettuce. Mayroon din siyang fishpond at nag-aalaga ng hito at tilapia para naman sa aqualonics methor of farming.
Kumpletos rekados sa farm ni Alex kaya inihimbitahan niya ang lahat na magtanim na rin ng sariling pagkain.
Ngayong Linggo, October 5, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour Alex sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.