Lakers pinigilan ng Suns | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

December 3, 2025 | 12:00am

LOS ANGELES — Kumana si Dillon Brooks ng 33 points at nag-ambag si Collin Gillespie ng career-high 28 markers sa 125-108 pagsunog ng Phoenix Suns sa Lakers.

Tinapos ng Phoenix (13-9) ang sinasakyang seven-game winning streak ng Los Angeles (15-5).

Umiskor si Devin Boo­ker ng 11 points para sa Suns bago magkaroon ng right groin injury sa huling dalawang minuto ng first quarter at hindi nagbalik sa laro.

Pinamunuan ni Luka Doncic ang Lakers sa kanyang 38 points habang may 16 at 10 markers sina Austin Reaves at LeBron James, ayon sa pagkaka­sunod.

Nagsalpak si Gillespie ng career-best na walong three-pointers para sa Phoenix na nagposte ng isang 21-point lead sa third quarter.

Mula rito ay hindi na nakadikit ang Los Angeles na nakagawa ng 22 turnovers.

Sa Miami, bumanat si Norman Powell ng 30 points at kumolekta si Bam Adebayo ng 27 points at 14 rebounds sa 140-123 pagtusta ng Heat (14-7) sa Los Angeles Clippers (5-16).

Nagdagdag sina Tyler Herro at Andrew Wiggins ng tig-22 points para sa Heat na naghulog ng 24 triples para duplikahin ang kanilang franchise record.

Kumamada si Kawhi Leonard ng 36 points at nagtala si Ivica Zubac ng 16 points at 13 rebounds sa panig ng Clippers.

Sa iba pang laro, dinaig ng Orlando Magic ang Chicago Bulls, 125-120; panalo ang Dallas Mave­ricks sa Denver Nuggets, 131-121; wagi ang Utah Jazz sa Houston R­ockets, 133-125; at lusot ang Washington Wizards sa Milwaukee Bucks, 129-126.