Libangan dati, ngayon ay negosyo na…GREEN 23 FARM


Ngayon araw na ito, isa na namang matagumpay na hardinero ang aking ibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motivation sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa loob kanilang bakuran.

Ang aking tinutukoy ay si Sany Babera, Agriculturist, co-owner ng Green 23 Farm na makikita sa Purok 5, Nagbunga Castilejos Zambales.

Ayon kay Sany, nagsimula ang kanilang urban farm bago magkaroon ng pandemic o year 2019 bilang libangan lamang hanggang maging negosyo na ng pamilya.Aniya, nag-umpisa sila sa pagtatanim ng mga gulay sa mga paso, used botted at plas-tic pot sa open terrace at backyard ng kanilang bahay.

Hanggang maisipang magka-greenhouse farm noong taon 2023 nang makita ang potensyal ng bakante lugar para sa pagtatanim. “Nakita namin na may sapat na espasyo at sikat ng araw para sa paglaki ng mga tanim,”ani Sany.

Pahayag ni Sany, pinili nila ang mga gulay bilang pangunahing tanim dahil sa kahal-agahan sa nutrisyon at kalusugan. “Gusto naming makatulong sa pagbibigay ng sariwa at malusog na pagkain sa aming mga pamilya, kamag-anak at kaibigan,” pahayag ni Sany.

Sinabi ni Sany, dumaan din sila sa maraming pagsubok pero hindi tumigil sa pagtatanim at gumagamit ng mga paraan lalo na kapag tag-init at tag-u-lan para hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga tanim na halaman.

“Sa panahon ng tag-init, ang mga struggles namin ay ang pagpapanatili ng tamang temperatura at pagkakaroon ng sapat na tubig para sa mga tanim at kapag tag-ulan, ang mga struggles namin ay ang pag-iwas sa pagkasira ng mga tanim dahil sa mga insekto at sikat ng araw na unang una kailangan ng halaman,” sabi pa ni Sany.

Aniya, gumagamit sila ng makabagong teknolohiya, mga gamit na bomba para sa daloy ng tubig  at mga gamit sa greenhouses.

“Nagpaplano rin kami ng mga paraan upang mapanatili ang tamang temperatura at pagkakaroon ng sapat na tubig para sa mga tanim,” sabi pa ni Sany.

Bukod sa mga lettuce, mayroon din tanim na kamatis, kamote, alogbate, herbs tulad ng sweet basil, mint tea,  oregano at tanglad.

Noong una ay pagkain at pamigay sa mga kapitbahay at kaibigan ang kanilang mga harvest pero ngayon ay ibinebenta na sa lokal na palengke.

Payo ni Sany sa mga gustong matutong magtanim o magtayo rin ng farm, ang pagpaplano at pag-aaral ng mga paraan sa pagtatanim ay importanteng hakbang.

Aniya, mahalaga ang magkaroon ng pasensya at dedikasyon sa pag-aalaga ng mga tanim.

Maraming benepisyo ang nakukuha ni Sany sa pagtatanim tulad ng pagkakaroon ng sariwa at malusog na pagkain, pagpapabuti ng kalusugan at kapaligiran, at ang pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto.

Sa mga residente ng Castilejos, Zambales na nagnanais bumilii at gustong matuto ng pagtatanim tulad ng ginagawa ni Sany, i-text lamang po ninyo siya sa 09177718553.  Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.

Ngayon Linggo, March 9, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Joel sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.