Lillard bumalik sa Blazers; Paul sa Clippers


PORTLAND — Matapos bitawan ng Milwaukee Bucks ay bumalik si D­a­mian Lillard sa Trail Bla­zers.

Nilagdaan ni Lillard ang three-year, $42 million deal sa Portland kasama ang no-trade clause kung saan maaari siyang lumipat ng ibang koponan matapos ang dalawang seasons.

Inilaro ng 35-anyos na si Lillard ang una niyang 11 NBA seasons sa Trail Blazers bago nag-request ng trade para lumipat sa Bucks bago magsimula ang 2023-24 season.

Nagkaroon siya ng torn left Achilles tendon sa first-round playoff series ng Milwaukee laban sa Indiana Pacers at nangailangan ng surgery na mag-uupo sa kanya sa 2025-26 season.

Samantala, pumayag si free agent point guard Chris Paul na pumirma ng kontrata sa Los Angeles Clippers para sa kanyang final 21st NBA season.