Mag-asawa todas sa ambush sa Bukidnon


COTABATO CITY, Philippines — Patay ang mag-asawang mang­gagawa sa isang sugarcane farm nang tamba­ngan mga armadong kalalakihan sa Barangay Kalasihan sa Lantapan, Bukidnon nitong hapon ng Biyernes.

Kinumpirma nitong Sabado ni Captain Sheila Joy Hangad ng Lantapan Municipal Police Station na agad na namatay sa mga tama ng bala ang mga biktima na sina Jayme Dipus, 58-anyos at ang kanyang 55-anyos na kabiyak na si Helen na magkaangkas sa isang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga lalaki sa Sitio Tigbi, Barangay Kalasihan ng nasabing bayan saka mabilis na nagsitakas.

Ayon kay Hangad, limang basyo ng .45 caliber pistol ang natagpuan sa lugar kung saan tinamba­ngan ang mag-asawa. May mga tama ng bala sa ulo ang mag-asawa na idineklarang dead-on-the-spot, ayon kay Hangad.

Pauwi na sa kanila mula sa trabaho ang mag-asawang plantation workers ng tambangan ng mga lalaking mabilis na nakatakas gamit ang isang motorsiklo.

Nagtutulungan na ang mga local officials sa Lantapan at mga imbestigador ng pulisya sa naturang bayan sa paglutas sa nasabing krimen.