MARAMING benepisyo sa katawan ang pag-inom ng maligamgam na tubig:
1. Magandang panunaw – Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa nakonsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapan dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng malalang constipation o pagtitibi.
2. Para maging regular ang pagdumi – Kung kumpleto sa dami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madaling mailabas.
3. Magandang sirkulasyon – Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa katawan.
4. Nakakabawas ng stress – Ang isang basong maligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.
5. Maayos at mahimbing na tulog — Ayon sa pagsasaliksik, ang pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig ay nakatutulong para ma-relax ang katawan at makatulog nang maayos. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw.
6. Mabuti sa tiyan – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng kinain. Tumutulong Para makapasok ang sustansya sa katawan.