Mani | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

December 3, 2025 | 12:00am

Sweep ng Gilas ang Guam sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Siguro, pinakaba lang tayo ni coach Tim Cone kahit alam niya na sa lakas ng lineup ng Gilas eh milagrong manalo ang Guam sa atin.

Chicken feed ang dalawang games. Kita naman na kung gusto tambakan, lumalayo. And pag nag-relax, didikit ang kalaban.

Sa Guam ginawa ang unang game at sa Katipunan ang second nung Lunes.

Ngayon, parating na ang mga heavyweight na kalaban — ang New Zealand at Australia. Olats tayo sa last games natin sa kanila.

Sa MOA  Arena pareho gagawin ang games sa Feb. 26 at Mar. 1 kaya kahit papano, may homecourt advantage.

Especially if dadalo ang mga fans, malaking tulong para talunin natin ang New Zealand at Australia at mas maganda ang pag advance natin sa second round ng Qualifiers.

Bahala na ang players sa court, kabilang si Justin Brownlee at ang mga youth brigade nila Carl Tamayo, Kevin Quiambao at Quentin Millora-Brown, at veterans na June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Chris Newsome at CJ Perez.

Then take charge ang fans sa ringside. Cheer to death lang kayo.

Lalo na against Australia.