Pilipino Star Ngayon
November 22, 2025 | 12:00am
MILWAUKEE — Nagpasabog si Tyrese Maxey ng career-high 54 points para tulungan ang Philadelphia 76ers sa 123-114 overtime victory laban sa Bucks.
Binura ni Maxey ang nauna niyang career high 52 markers sa 133-126 double-overtime win ng Philadelphia (9-6) kontra sa San Antonio Spurs noong Abril 7, 2024.
Binanderahan ni Ryan Rollins ang Bucks(8-8) sa kanyang mga career-highs na 32 points at 14 assists.
Iniskor ng Philadelphia ang unang limang puntos sa overtime mula sa 3-pointer ni Justin Edwards at basket ni Maxey.
Ang triple ni Quentin Grimes sa natitirang 20 segundo ang muling naglayo sa 76ers sa 116-112 at hindi na nakalapit ang Bucks.
Sa iba pang laro, pinulutan ng Memphis Grizzlies ang Sacramento Kings, 137-96; dinaig ng Orlando Magic ang Los Angeles Clippers, 129-101 at panalo ang Spurs sa Atlanta Hawks, 135-126.