Mayo 12, idineklarang holiday | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Idineklara ng Mala­cañang na special (non-working) holiday ang ?Lunes, Mayo 12, 2025, upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Local at national elections sa buong bansa.

Batay sa Proclamation No. 878, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na  kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagboto bilang pangunahing karapatan ng bawat Pilipino. 

Sa bisa ng nasabing proklamasyon, layunin ng gobyerno na bigyan ng sapat na panahon at pagkakataon ang mga mamamayan upang makaboto nang maayos at walang hadlang.

Inanyayahan din  ang publiko na samantalahin ang espesyal na araw na ito upang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga responsableng mamamayan sa pamamagitan ng paglahok sa halalan.

Nauna na rin nanawagan si Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia sa Malakanyang na gawing holiday ang araw ng eleksyon para mahikayat ang ma­daming Pilipino na bumoto.