February 22, 2026 | 12:00am
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagluwa ng lava ng bulkang Mayon sa Albay na dumaloy sa mga dalisdis ng bulkan sa may Basud na may 3.8 kilometro gayundin sa Bonga na may 1.6 kilometro at sa Misi gullies na may 1,3 kilometro sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang bulkan ay nagtala rin ng apat na volcanic earthquakes at 407 rockfall events at apat na pyroclastic density current signals o uson
Nakikita rin ang Crater glow sa bunganga ng bulkan at nagluwa ng 3,739 tonelada ng asupre at nagkaroon ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran at pamamaga ng bulkan .
Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng publiko sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang uri ng aircraft sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagguho ng bato, pagtilamsik ng ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan sa paligid ng bulkan.
Ang bulkang Mayon ay nananatiling na nasa ilalim ng alert level 3 na ibig sabihin ay may mataas itong aktibidad.
