Mayor Degamo sa Comelec: disqualification, madaliin


MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Pamplona Mayor Janice Degamo sa Commission on Elections (Comelec) ang pagresolba sa disqualification case na isinampa laban sa kanya upang maiwasan na maapektuhan ang pamumuno at katatagan ng lalawigan.

Nabatid na pormal nang hiniling sa Comelec ni Atty. Robert Diokno, legal counsel ni Mayor Janice Degamo na bilisan ang pagresolba sa petisyon hinggil sa umano’y misrepresentation.

Ang agarang pagresolba sa petition ay naglalayong mabigyan ng maayos na transition ng liderato at mapanatili ang integridad ng halalan.

“With barely three days left before newly elected officials assume office, the disqualification case against Mayor Degamo remains pending before the Comelec. This is despite the fact that the Commission has already resolved several petitions filed after the one against Degamo,” ayon kay Diokno.

Ani Diokno, may ilang disqualification case na hawak ang Comelec na agad namang naresolba kaya walang dahilan upang patagalin pa ang petition laban kay Mayor Degamo.

“There is no real dispute as to the facts — the core issue is straightforward: whether she met the residency requirement. Yet, the COMELEC has remained silent,” dagdag pa ni Diokno.

Binigyan-diin ni ­Diokno na inamin ni Mayor Degamo na patuloy pa din ang kanyang paglilingkod bilang alkalde ng Pamplona, ­Negros Oriental (District 2), pagkatapos ng kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy para kinatawan ng 3rd District ng lalawigan ng Negros Oriental.

Ani Diokno, ganito rin ang kaso nina Mayor Jing Capil ng Porac, Pampanga; Mayor Marcy Teodoro ng Marikina; Senator-elect Erwin Tulfo; gubernatorial candidate Ronald Rodriguez ng Camarines Sur; at ng Bagong Hene­rasyon partylist.