MANILA, Philippines — Patuloy na bumibida sa mundo ng motocross ang mga batang riders na namamayagpag ngayon sa local motocross scene.
Kumikinang na ang mga pangalan nina Prince Aaron Mata ng RFM Elective Drice, Amory de Vera ng Cleanfuel MX Team, Rio Alexander Remolacio at Roi Alexander Remolacio ng Remolacio Racing Team, Alexander Brando Gamboa ng Gamboa Racing Team at Niejel Ivan Torre ng Team Torre.
Sa «Usapang Sports» Forum ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila ay ibinahagi nila kung ano ang naging saloobin nila bilang mga matitikas na mga batang kampeon pagdating sa motocross sa kabila ng mga panganib.
“Kahit natakot man kami na nabalian man sa practice o nag-aadjust kami sa tracks depende sa panahon o sa CC namin, masaya po na unti-unti naming nakikita ang progress namin,” wika ng mga bata sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.
Ikinagalak naman nila na kahit bata pa at ang ilan sa kanila ay naimpluwensyahan ng mga ama nila na mga kapwa motocross riders at coaches ay nagbunga na ang kanilang malaki ang kanilang pinagbago ng kanilang buhay.
“Kumakarera kami sa mga iba’t ibang parte ng Pilipinas lalo na sa Visayas at Mindanao at thankful po ako na nag-champion ako sa mga iba’t ibang competitions kahit may times na nasemplang ako at umabot ako hanggang runner-up finish,” ani Rio Alexander.
Para naman kay Jasmin Jao na isa sa mga tini—tingalang mga babaeng motocross riders sa bansa, dagdag motivation sa kanya na makita ang mga batang motocross champions gaya niya.
“Nakakatuwa po na sobrang daming batang riders kahit lalaki o babae, maraming sumali ngayon at marami ring kategorya kasi nakaka-enggayo ang iba pa na isabak ang mga bata sa ganitong klaseng extreme sport kahit sa murang edad, ay puwede na sumali any bracket,” sabi ni Jao.
