Mga pribadong ospital pinakiusapang patuloy tumanggap ng guarantee letter


MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang provinical governor sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) at sa mga katuwang na ospital na rebisahin at isaalang-alang ang kanilang desisyon sa hindi pagtanggal ng guarantee letter (GL).

Ayon kay Quezon Gov. Helen Tan na isa ding duktor, mahalaga ang pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagpapatulot ng maayos na serbisyong medikal sa mamamayan.

Sinabi pa ng gobernadora, na magiging isang malaking hatol sa pagpapaabot ng serbisyong pangkalusugan ang pansamantalang hindi pagtanggap ng GL ng ilang pribadong ospital.

Matatandaan na ilan sa mga pribadong ospital ang nagdesisyon na pansamantalang itigil o limitahan ang pagtanggap ng mga GL sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Finanvially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program.

Paliwanag pa ni Tan na isa rin doktor, na mahalagang instrumento ang mga guarantee letter sa pagbibigqy ng agarang serbisyong medikal sa mga nangangailangan lalo na sa mga naghihirap at kapos palad.

Kaya ang pagtigil sa pagtanggap nito ay isang dagok sa mga pasyenteng umaasa sa tulong ng pamahalaan.

«Tayo ay agarang nanawagan sa Private Hospital Association of the Philippines Inc. at sa mga katuwang na oapital na muling isaalang alang at rebisahin ang kanilang desisyo», pahayag pa ni Tan.

Hinikayat din ng Gobernadora ang Department of Health (DOH) na agad ayusin ang sostema ng paglalabas ng pondo sa ilalim ng MAIFIP upang mapanatili ang tiwala ng mga partner hospital at maipagpatuloy ang pagbibigqy ng dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng nangangailangan.