Mikee Romero pasok sa Top 25 ng World Polo Ranking


MANILA, Philippines — Inilista ni businessman, lawmaker at sportsman Mikee Romero ang kanyang pangalan sa Philippine sports history matapos makasampa sa Top 25 ng World Polo Tour (WPT) amateur rankings.

Umakyat si Romero sa World Rank No. 24 kasama ang 110 WPT points na nakamit niya sa kanyang impresibong debut sa 2025 Gauntlet of Polo, ang pinakaprestihiyosong polo series sa buong mundo.

Dahil dito ay hindi lamang si Romero ang hinirang na highest-ranked Filipino sa WPT history kundi nilampasan pa niya sina Aiyawatt Srivaddhanaprabha ng Thailand at Mateen Bolkiah ng Brunei bilang top amateur polo player sa Southeast Asia.

“It still feels surreal,” ani Romero. “To be among the Top 25 is a huge honor—but it’s more than a personal milestone. This is a triumph for every Filipino who dares to dream, for a nation that never had a place on this field—until now.”

Ang Gauntlet of Polo—tinatawag na “Olympics of Polo”—ay idinaraos sa National Polo Center sa Florida na binubuo ng tatlong iconic tournaments: ang C.V. Whitney Cup, ang USPA Gold Cup at ang U.S. Open Polo Championship.

Sa higit sa isang century ang nasabing lugar ay naging playground ng mga Argentine, American at European titans.

Ngunit ngayong 2025 ay gumawa ng kasaysayan ang mga Filipino hoofbets.

Ginulat ng GlobalPort Polo Team ni Romero ang Gaunt­let matapos sa­pawan ang mga global powerhouses La Dolfina/Tamera at Park Place na kumuha ng top honors sa serye.