MANILA, Philippines — Kaagad nagparamdam ng puwersa ang Alas Pilipinas matapos gibain ang Mongolia, 25-18, 25-16, 25-14, sa 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Nations Cup kahapon sa Hanoi, Vietnam.
Bumanat si Vanie Gandler ng 16 points at may 11 markers si Angel Canino, habang may pitong marka si Eya Laure.
Nag-ambag si three-time UAAP MVP Bella Belen ng anim na puntos.
Sunod nilang lalabanan ang Indonesia ngayong ala-1:30 ng hapon.
Bukas ay susukatan ng mga Pinay spikers ang mga Iranians sa alas-4 ng hapon.