Negosyante timbog sa P.3 milyong shabu


BAYOMBONG, ­Nueva Vizcaya, Philippines — Dinakip ng mga awtoridad ang isang negosyante matapos masamsaman ng mahigit sa P307,000 na halaga ng shabu sa Barangay Banggot sa bayan ng Bambang sa lalawigang ito kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ng Bambang Police ang nadakip na suspek na si alyas “Arcadio”, 33, residente ng Purok 3, Barangay Banggot sa nasabing bayan.

Nakuha ng mga awtoridad sa kanyang pangangalaga ang humigit kumulang sa 45.16 grams ng shabu na tinatayang nasa P307,088 ang halaga.

Ang pagkadakip sa suspek ay batay sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Presiding Judge Paul Attolba Jr. ng RTC Branch 30-Bayombong, Nueva Vizcaya noong March 19, 2026 na matagumpay na ipinatupad naman ng Bambang, l Police, PIU/PDEU, PITNV-RIU2, 2nd PMFC, 115 SAC, 11 SAB-PNP at mga operatiba ng SAF.

Bukod sa 42 na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, nakuha rin sa suspek ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga bala ng baril.