Lumabas kahapon ang desisyon ng California State Athletic Commission sa controversial fight ng Pinoy challenger na si Charly Suarez laban kay WBO super-featherweight champion Emmanuel Navarrete ng Mexico.
No contest!
It means binawi ang panalo ni Navarrete at dehins natalo si Suarez.
Kumbaga, isang panaginip lang ang nangyari nung Mayo 10 sa San Diego kung saan tinigil ang laban sa eighth round dahil sa isang malaking cut sa mata ni Navarrete na sanhi ng isang clear punch ni Suarez.
Ang sabi kasi ng American referee na si Edward Collantes, headbutt. Kaya nanalo si Navarrete at nag-protesta naman ang manager ni Suarez na si Manong Chavit Singson.
Gusto sana ni Suarez, ma-reverse ang decision at siya ang ma-declare na panalo. Pero dehins gagawin ng CSAC ‘yun dahil parang inamin nila na nagkadayaan nga.
Kaya okay na din na no contest. Sabi nga ni Manong Chavit, “At least, binawi ang panalo kay Navarrete.”
Rematch ang kasunod dahil ‘yun ang utos ng CSAC. Immediate, meaning once gumaling na ang putok at pwede na ulit lumaban si Suarez.
Aabangan ng tao ang rematch.
Isa lang ang hiling ko: palitan ang referee.