MANILA, Philippines — Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.793 trillion panukalang pambansang budget para sa taong 2026.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ito ang inaprubahan ng Pangulo matapos ang Cabinet meeting nitong Martes.
Ang naturang pondo aniya ay gagamitin hindi lamang upang lumago ang ekonomiya kundi mapaganda ang buhay ng mga Pilipino pati na ang mga susunod na henerasyon.
“Inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang P6.793 trillion pesos proposed budget para sa susunod na taon,” sabi ni Castro.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos ay mahalaga aniya ang kapakanan ng bawat isa at ang kinabukasan ng taumbayan tungo sa mas progresibo at maunlad na bagong Pilipinas.
Sa kasalukuyang nasa P6.326.3 trillion ang pambansang budget ngayong taon.