Pacquiao-Romero fight posible | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Walang magiging problema si Manny Pacquiao sa pagkakasa sa kanyang susunod na laban matapos ang impresibong laban niya kay Mario Barrios noong Linggo sa Las Vegas.

Sa katunayan, may isa nang gustong sagupain ang Filipino icon.

“A Hall-of-Famer on my resume, who wouldn’t want that? That’s the easiest way to get into the Hall of Fame, right?” sabi ni Rolando “Rolly” Romero (17-2-0, 13 knockouts) sa panayam ni veteran sportswriter Lance Pugmire ng boxingscene.

Ang 29-anyos na si Romero ang lumitaw na posibleng maging dance partner ni Pacquiao dahil sa kanyang come-forward, fan-friendly style bukod pa sa suot nitong WBA welterweight championship.

Hangad sana ng 46-anyos na si Pacquiao na maging pinakamatandang welterweight champion nang hamunin niya si Barrios para burahin ang kanyang sariing record nang talunin si Keith Thurman sa edad na 40-anyos.

Ngunit ang kontro­bersyal na majority draw ang naging dahilan para mapanatili ni Barrios na hawak ang kanyang WBC welterweight belt at ipinagkait kay Pacquiao ang muling makagawa ng kasaysayan.

Maaari pa rin itong magawa ni Pacquiao laban kay Romero.

“It’s a tremendous fight,” sabi ni MP promotions chief Sean Gibbons na kanang kamay ni Pacquiao.

“Rolly Romero gives him another opportunity to make history, with a belt on the line. And it’s the right style. Rolly is a rugged and tough but very slow on his feet,” dagdag nito.