MANILA, Philippines — Dahil sa mahabang pahinga, uhaw sa panalo si eight-division world champion Manny Pacquiao kaya’t asahang magiging eksplosibo ito laban kay reigning World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Hunyo 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Apat na taon ding wala sa senaryo si Pacquiao na nagretiro noong 2021 matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas ng Cuba.
Ilang exhibition games lamang ang naging aktibidad ni Pacquiao habang retirado ito.
Kaya naman gigil si Pacquiao na muling ipamalas ang kanyang bagsik sa tunay na laban sa professional boxing.
Para kay Pacquiao, magandang pagkakataon ang apat na taong pahinga upang makarekober ang kanyang katawan matapos ang ilang dekadang paglaban.
Dahil dito, na-refresh ang katawan nito na unti-unti nang bumabalik sa fighting form.
“Four years rest has been good for me. I’ve been in boxing for so many decades, so it’s good for my body to rest for four years,” ani Pacquiao.
Kasalukuyang nasa pukpukang ensayo si Pacquiao kasama si Hall of Famer veteran trainer Freddie Roach sa Wild Card gym sa Hollywood, California.
“Now I’m back, I’m hungry to fight again. I’m hungry to fight in a big fight like this. To work hard, have discipline, everything like that,” ani Pacquiao.