Pagkain para sa lungs | Pilipino Star Ngayon


1. Green tea – Naglalaman nang maraming anti-oxidants na makatutulong para maiwasan ang pamamaga ng baga (lungs). Ang compounds nito ay maaari rin protektahan ang tissue sa baga para sa nakapipinsalang epekto ng paglanghap ng usok ng sigarilyo.

2. Orange na prutas at gulay gaya ng kalabasa, orange, at papaya – Puno ang mga ito ng antioxidant na sustansiya para sa baga. Kabilang din ang Vitamin C na kilalang panlaban sa impeksyon at pamamaga.

3. Omega-3 fatty acids – Matatagpuan ito sa isda gaya ng sardinas, tamban, tuna at salmon ay tumutulong para mabawasan ang pamamaga ng baga at panlaban din sa bakterya.

4. Beans – Maganda sa baga sapagkat may taglay itong zinc, selenium at manganese

5. Mani – Nagbibigay sa katawan ng Vitamin E, at nakatutulong na bawasan ang pamamaga at palakasin ang immune system.

6. Maligamgam na tubig – Mabuti ito para maprotektahan ang baga sa iritasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng plema. Importante na laging sapat ang tubig sa katawan para lumabnaw ang plema at madaling mailabas upang hindi bumara sa daanan ng hangin.