Palawan congressman aspirant, pinagpapaliwanag ng Comelec


Nag-aalok ng libreng tiket sa sine

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng “show cause order” ang Commission on Elections (Comelec) laban sa kandidato sa lalawigan ng Palawan na nag-aalok ng libreng movie ticket sa isang Facebook post.

Sa nasabing kautusan, si Third District congressional candidate Abraham Mitra ay binigyan ng tatlong araw ng Comelec para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat humarap sa reklamo para sa isang election offense o petition for disqualification.

“The commission of the following acts, along with the possession of campaign materials and other corroborative evidence, shall be presumed to be vote-buying and vote-selling. offering or promising something of value in consideration for someone’s vote,” ayon sa poll body.

Ayon sa Comelec, nag-post sa FB si Mitra noong Abril 2, 2025 para mag-alok ng libreng tiket sa sinehan, at Abril 4 nang mag-post uli siya ng mga larawan mula sa block screening ng parehong pelikula, kung saan naroroon siya kasama ng mga tagasuporta at iba pang indibidwal.