Pangulong Marcos binati ang Gilas Youth


MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Gilas Pilipinas Youth matapos dominahin ang FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers mula sa 70-40 pagmasaker sa Indonesia sa finals.

“Isang malaking saludo sa Gilas Pilipinas Youth,” sinabi ni Marcos sa kanyang mensahe sa X (da­ting Twitter).

“Congratulations on your dominant 6–0 run and the gold medal at the U16 SEABA Qualifiers. Isang malinaw na patunay na ang galing at determinasyon ng kabataang Pilipino ay walang kapantay. Suportado namin kayo sa inyong susunod na laban sa FIBA Asia Cup,” dagdag ng Pa­ngulo.