August 16, 2025 | 12:00am
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang luntian at napakagandang Urban Garden ng Gulayan sa Paaralan ng Pateros Elementary School.
Conventional at Hydroponics farming ang pamamaraan ng pagtatanim sa nasabing paaralan.
Ang urban farmer/teacher na si Aldrin Arienza ang siyang nasa likod ng matagumpay na pagtatanim ng high value crops na lettuce at iba pang gulay sa Pateros Elem. School.
Ayon kay Sir Aldrin, bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa pagtatanim kaya kahit saan siya dalhin ng Panginoon ay pagtatanim ng sariling pagkain ang isa sa kanyang proyoridad na gawin.
“First to put up Hydroponics Kratky method in my Previous School in Tipas Elem School. Nung nalipat ako ng Pateros Elementary School, we built a larger green house for Kratky method with 110 styro boxes that can hold almost 900 heads of lettuce,” ani Aldrin.
Sinabi pa niya, “When I transferred at this school in 2021, my school head ask me the possibility of continuing my projects in my previous school….there started building our 6m x 8m green house…benchmarked by several schools in Taguig City and Pateros, I shared technical know-how to my colleagues and they adapted….if in urban areas ay wala na tayong matatanimam na lupain, hydroponics is the best way to grow high value crops dahil kung wala na tayong mga lote na pagtatamnan ay meron naman tayong mga tubig sa bawat school at bawat tahanan..this is the exact word na sinabi ko sa mga bumisita saming grow house ang binitawan ko para maisip nila na puwede ngang magtanim sa tubig.”
Ayon kay Aldrin, sa Pateros ay matagal ng ginagawa ang pagtatanim ng gulay pero traditional farming o sa lupa.
“Only in the year 2021 nung nalipat ako ng PES nagkaroon ng hydroponics. Meron silang testing bago ako dumating sa PES but it turned out leggy harvest, when I asked bakit at kung anong gamit na nutrient solution ay dun ko nalaman na kaya pala di gaanong competitive ang ani…so I introduced the brand which I used” aniya.
“Nung nakita ng principal ko na maganda ang tubo ng mga pananim namin sa grow house, nag-umpisa nang maghanap ng donors to make another rooftop greenhouse and lucky enough Save The Children come to the rescue and answered my Principal’s request with the help of American Express that time I assigned the rooftop project to my Mentee Mr. Erik Jims H. Bongon,” sabi pa ni Aldrin.
Giit pa ni Aldrin na kaya gulay ang kanilang itinatanim ay para ipakain sa mga batang estudyante na kulang sa nutrisyon.
“Gulay ang ginagamit namin sa feeding program ng aming paaralan at dahil sobra-sobra ang aming ani ay marami ring ang bumibili,” pahayag pa ni Aldrin.
Sa ngayon ay may dalawang greenhouse na sa Pateros Elem School at meron na ring rooftop garden.
“We also planted blueternate, ampalaya at talong, gusto kasi ng mga halaman na ito na nakabilad sa arawan,” ani Aldrin.
Hinihikayat ni Aldrin ang lahat na magtanim din tulad ng kanilang ginagawang pag-tatanim.
“Sipag at tiyaga lang ang pihunan, tiyak ay hindi magugutom ang ating pamilya,” sabi pa niya.
Taus pusong nagpapasalamat si Aldrin sa suporta ng kanilang principal, kapwa guro, mga magulang, brgy. officials, LGU ng Pateros at kanilang mga donors.
Bukas, araw ng Linggo, August 17, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kasama si Aldrin sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan, maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.