PNP Focused Agenda ni Nartatez, umuusad na!


DIPUGA — Non Alquitran — Pilipino Star Ngayon

October 12, 2025 | 12:00am

“Serbisyong mabilis, tapat at tunay na nararamdaman.”

Ito ang isusulong ng 228,000 na kapulisan alinsunod sa inilunsad ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na programang “PNP Focused Agenda” para sa isang Bagong Pilipinas na nakabatay sa mabuting pamamahala, kapayapaan at kaunlaran.

“My fellow Filipinos, today marks a great opportunity one that is rooted deep within the aspirations I have valued. I’m reminded of the dreams I harbored for a safer more secure Philippines, a dream where my grandchildren, and indeed all Filipino families, can walk our streets without fear,” ani Nartatez.

“In the next years, as I direct the course of the PNP, I am committed to ensuring that this institution stands greater than ever before, not only in terms of strength and efficiency, but also in the trust and respect of the people,” dagdag pa ni Nartatez.

Naka-45 days na si Nartatez sa trono ng PNP at mukhang nasa tamang landas naman ang kanyang “PNP Focused Agenda.” Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Iginiit ni Nartatez na ang PNP Focused Agenda ay hindi lamang­ plano ng pamamahala kundi isang panata ng bawat Pilipino. Sa ilalim ng programang ito, patuloy na paiigtingin ang paggamit ng mga yaman ng organisasyon, isusulong ang kapakanan at moral ng kapulisan at patitibayin ang operasyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pulisya.

“Higit sa lahat, isinasabuhay nating ang disiplina, integridad, at pakikipag-ugnayan sa komunidad,” ani Nartatez. Eh di wow! Ang program ani Nartatez ay magsisilbing daan patungo sa modernong PNP, kung saan ang mga pulis at PNP ay magtutulungan upang tugunan ang adhikaing Bagong PNP. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na ang programa ni Nartatez ay nakasentro sa limang pangunahing haligi: Management of Resources, Morale and Welfare, Enhanced Managing Police Operations, Integrity Monitoring at Active Community Support — bilang gabay tungo sa mas pinatibay at maunlad na Bagong PNP.

Sa ilalim ng agendang ito, pinagtitibay ng Management of Resources ang masinop at epektibong paggamit ng yaman ng organisasyon—tao, kagamitan, at pondo, ani Tuaño.

“Bibigyang-diin naman ng Morale and Welfare ang kahalagahan ng may motibasyon at propesyonal na hanay; at pina­paigting ng Enhanced Managing Police Operations ang mga estratehiyang nakabatay sa ebidensya laban sa ilegal na droga, loose firearms, terorismo, at cybercrimes,” dagdag pa ni Tuaño. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Samantala, titiyakin ng Integrity Monitoring ang pananagutan sa bawat antas, habang ang Active Community Support ay nagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at mamamayan—dahil ang tiwala ng bayan ang tunay na sandigan ng PNP.

“Ang Focused Agenda ang konkretong tugon ng PNP sa panawagan ng Pangulo para sa isang organisasyong mas tumutugon, mas bukas, at mas nakatuon sa paglilingkod.,” giit ni Tuaño.

Sa bagong direksiyong ito, nananatiling tapat ang PNP sa layuning maglingkod nang may puso, magtaguyod ng katarungan, at maging tunay na sandigan ng bawat Pilipino tungo sa mas ligtas at mas maunlad na bayan, aniya. Abangan!