MANILA, Philippines — Pararangalan sina Eli Soyud, Alyssa Eroa at Chie Saet sa kauna-unahang Pilipinas Live PVL Press Corps Awards Night na nakatakda sa Mayo 28 sa Novotel.
Ang ng opposite hitter na si Soyud ng Akari ang gagawaran ng Most Improved Player award sa formal awards night na inihahandog ng Arena Plus.
Ang tubong Bago, Negros Occidental ang isa sa mga sinandigan ng Chargers sa nakaraang PVL All-Filipino Conference matapos silang igiya ni American import Oly Okaro sa silver finish sa 2024 Reinforced Conference.
Tinalo ni Soyud para sa MIP award sina Bernadeth Pons at Bea De Leon ng Creamline.
Si Eroa naman ang bibigyan ng Comeback Player of the Year honors sa kanyang paggiya sa Galeries Tower sa kauna-unahang quarterfinals appearance sa PVL.
Nagbalik ang 4-foot-11 defensive specialist sa PVL noong 2024 tatlong taon matapos huling maglaro para sa PLDT sa bubble season sa Bacarra, Ilocos Norte.
Inungusan ni Eroa para sa tropeo si Jovelyn Gonzaga ng ZUS Coffee
Samantala, hihirangin si Saet bilang Miss Quality Minutes sa kontribusyon niya sa pagrereyna ng Petro Gazz sa PVL AFC kontra sa Creamline.
Ang 40-anyos na si Saet ang naging main playmaker ng Gazz Angels sa paggupo ng Cool Smashers sa kanilang best-of-three championship series.
Dinaig ni Saet para sa karangalan sina Judith Abil ng Cignal at Royse Tubino ng Choco Mucho.