October 11, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tinakasan ng Jose Rizal University ang San Beda Univeristy, 67-66, sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Bumira si rookie Sean Salvador ng 15 points para sa 2-1 record ng Heavy Bombers kapareho ng Red Lions na bigong solohin ang liderato sa Group B.
Nag-ambag si Justin Lozano ng 13 markers para sa Jose Rizal.
Samantala, tinakasan ng San Sebastian College-Recoletos ang Lyceum of the Philippines University via double overtime, 100-94, para sa 1-2 marka.
Laglag naman ang Pirates sa 0-3 kartada.