Robbery | Pilipino Star Ngayon


Kumbaga sa basketball, dehado sa tagawan ang manok natin na si Charly Suarez sa kanyang tangka na agawin ang WBO super-featherweight title kay Emmanuel Navarrete ng Mexico nung Linggo sa San Diego, California.

Nagkatotoo ang warning ni Manong Chavit Singson, ang tumatayong pro-bono manager ni Suarez, isang matinik na amateur boxer ng Team Philippines na nag-professional.

Sabi ni Chavit, malaki ang chance ni Suarez laban sa Mexican.

“Wag lang dayain,” ang sabi niya.

Well, ganun nga ang nangyari. Kahit lamang sa scorecards si Navarrete, lumaban si Suarez. At sa sixth round, tumama ang Pinoy ng isang solid na left straight sa ulo ni Navarrete.

Pero after ng clear punch, nagkiskisan ang ulo nila. Agad nag-react ang kalaban. At binili naman ng referee ang drama at nag-rule ng headbutt.

Malaki ang putok sa kaliwang mata ni Navarrete at sa eighth round, tinigil ang laban. Dahil lamang sa score, nanalo ang Mexicano.

Umalma ang boxing world sa nakita nila dahil malinaw na suntok ang tumama at dehins ulo. Pati mga fans, kahit mga non-Filipinos, galit.

“Maliwanag pa sa sikat ng araw sa Pilipinas,” ang sabi ni Chavit, na naghain ng protesta at humingi ng reversal ng resulta. “Robbery. Deserving si Charly manalo.”

Mabilis nag-react ang California Boxing Commission at ang ugong eh gagawing no-contest ang laban. Walang panalo, walang talo.

Hindi pa din fair. Dahil panalo dapat si Suarez. Dapat, TKO win ang decision at world champion si Suarez.

‘Yun ang tama!.