Sa dating site nakilala ang gf


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

October 7, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Dan na taga Bulacan. Dahil sa dating site, nagkaroon ako ng girlfriend.

Nag-aalanganin pa ako nung una, dahil uso ang scam at baka madale rin ako ng manloloko lang.

Pinagsabihan nga ako ng kapatid ko na tigilan ang pakikipag-chat sa taong hindi ko naman talaga kilala. Hindi ako nakinig, Dr. Love.

Tinuloy ko pa rin ang pag-search at nagbakasali na makakilala ng ka-match ko.

Hindi nga nagtagal ay natunton ko ang site na halos mga Pilipino ang naghahanap din ng love life.

Naisip ko na maghanap ng pangalan na Pilipinang pilipina ang dating. Ang sinubukan ko ay Mayumi. Nag-chat ako, na-excite bagaman kabado pa rin nang mag-reply siya.

Nasundan ang pagtsa-chat namin.

Naging interesting ito nang mapunta ang usapan namin sa music, dahil pareho naming hilig yun. Naging madalas ang pag-uusap namin, kaya naman mas nagiging kilala na namin ang isa’t isa.

Dumating sa punto na nagkahulugan na kami ng loob, Dr. Love at ilang buwan pa ay naging “kami” na.

Sa totoo lang matagal ko na siyang gusyo makita in person. Pero sa tingin ko ay hindi pa siya handa. Kaya nirerespeto ko ‘yun.

Itong linggong ito ay mag-aanim na buwan na ang relasyon darating ay fourth monthsary na  namin, kaya naisipan kong humirit na baka this time ay papayag na siyang magkita na kami.

Ang sabi niya, baka raw hindi ko siya magustuhan sa personal. Napapaisip po ako ngayon kung hanggang online na lang ba ang relasyon namin. Hindi ko po alam kung tala-gang seryoso siya sa pagiging “kami.”

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang mabuting gawin para makombinsi ko ang girlfriend ko na mag-meet na kami ng personal.

Dan

 

Dear Dan,

Hindi ko masisi ang girlfriend mo kung hindi pa siya ganon kakompiyansa na makipagtagpo sa’yo, dahil sa dating site lang kayo naging magkarelasyon. Maaaring ang pangamba ng kapatid mo, na baka mabiktima ka ng manloloko, posible ganon din ang worry niya.

Ang payo ko, para maipakita mo ang malinis na intensiyon mo, subukan mo na magpaalam sa kanya na pupuntahan mo siya sa kanilang bahay. Pero kung hindi pa rin siya pumayag, pang-unawa ang pairalin mo kung tunay ang pagpapahalaga mo sa kanya.

Nakabatay naman ang lahat sa kalooban mo. Kung sa tingin mo ay hindi ka na makakatagal na hanggang online lang, maging tapat ka sa kanya at sabihin ang saloobin mo nang pinananatili ang respeto sa kanya.

Naniniwala ako, kung kayo ang para sa isa’t isa…tadhana ang maglalandas para magkita na kayo.

Sa ngayon, gamitin mo ang pagkakaton na mas makilala pa siya nang husto at i-enjoy ang bawat isa.

DR. LOVE