October 7, 2025 | 12:00am
Halos lahat daw ng mga senador ay kumita sa kickback sa budget insertion mula 2022-2025, sabi ni Sen.Panfilo Lacson. Si Lacson ang dating Senate Blue Ribbon committee pero nag-resign na siya. Marami ang nagulat sa pagbibitiw niya.
Sa naturang committee ni Lacson personal na napanood at narinig ang pag-amin nina DPWH Usec Roberto Bernardo, dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza. Sila ang nagparte-parti sa 20-30 percent na ipagkakaloob sa pulitiko.
Sabi ni Hernandez tumanggap sina Senators Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva.Tinanggi ng dalawa ang akusasyon. Wala raw silang kinalaman sa anomalya. May mga larawan ang dalawang senador na ibinandera sa naturang hearing sa Senado.
Sa pagbibitiw ni Lacson, nais daw sana niyang tapusin ang imbestigasyon ng kanyang committee subalit dumagsa ang mga reklamo na halos lahat pala ng mga Senador ay nagkaroon ng kickback sa budget insertion. Nagpasalimuot at nagkaroon nang bangggaan ang mga senador. Puntirya ay palitan ang liderato ng mga committee sa Senado.
Nag-previliges speech si Lacson at ibinulgar ang ghost flood control project sa Bulacan at Mindoro. Ginisa ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya hinggil sa pagkakaroon ng daan-daang project. Ang kompanya nila ang naglalaban-laban sa bidding sa flood control project.
Nagkaroon naman ng palitan ng lider sa Senado matapos masiwalat na nagkaroon nang P30 milyon mula sa contractor na kaibigan si Sen. Chiz Escudero. Maging si Sen. Marcoleta ay pinalitan ni Lacson. Ipinangalandakan ni Marcoleta na gawing state witness ang mga Discaya. Nang umopo si Lacson ay naglutangan na ang samu’tsaring usapin hinggil sa maanomalyang paglustay ng pundo para sa flood control project ng DPWH.
Hanggans sa hindi na masikmura ni Lacson na ipagpatuloy pa ang kanyang pinamumuang Senate Blue Ribbon Committee. Nakapanghihinayang dahil nagkakaroon na ng liwanag kung sino ang mga nagkakutsabahan sa pagkulimbat ng pondo ng DPWH.