SBP umaasang makakalaro si Brownlee sa FIBA Asia Cup


MANILA, Philippines — Bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang FIBA, umaasa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makakapag­laro si naturalized guard Justin Brownlee sa Gilas Pilipinas sa pagsabak sa FIBA Asia Cup 2025 sa Agosto.

Noong Marso ay pina­dalhan si Brownlee ng FIBA ng adverse analytical finding mula sa kanyang urine sam­­ple na kinuha no­ong Nob­­yembre.

Ito ay matapos ang pa­nalo ng Gilas Pilipinas sa New Zealand sa Window 2 ng Asia Cup Qualifiers sa MOA Arena sa Pasay City.

“I know there are reports of adverse findings on his do­ping exam last No­vember against New Zea­land. We’ve received that report,” ani SBP executive director Erika Dy.

“But just to clarify matters, there’s no suspension at this point in time. And we don’t expect any,” dagdag ng SBP official.

Nauna nang nagpositibo ang Barangay Gnebra re­sident import para sa Car­boxy-THC, isang substance na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency, matapos niyang ga­bayan ang Nationals sa gold medal sa 19th Asian Games noong 2022.

Dahil dito ay nagsilbi ang 37-anyos na six-time PBA champion import ng isang ng three-month provisionary suspension.

“There’s just a lot of delicate details that we cannot discuss, because doping is a very delicate matter, a sensitive matter,” sabi ni Dy sa kaso ni Brownlee.

Kasalukuyang nasa Ame­rica si Brownlee matapos sumailalim sa isang sur­gery para sa kanyang dislocated thumb na nangyari sa pagsagupa ng Gin Kings sa TNT Tropang Gi­ga sa nakaraang Season 49 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship series.