August 18, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Erwin Tulfo ang mga e-wallet firms sa pagsunod nila sa 48-oras na ultimatum ng Bangko Sentral ng Pilipinas simula noong Agosto 14, upang alisin ang mga link ng online gambling sites sa kanilang mga mobile application.
“Pinupuri natin ang hakbang ng mga e-wallet company na i-delink ang mga online gambling sites mula sa kanilang mga platform. Isa itong patunay na handang makipagtulungan ang pribadong sektor sa gobyerno sa paglaban sa lumalalang problema ng online gambling addiction sa ating bansa,” ani Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Games and Amusement.
Ngunit binigyang-diin ng senador na hindi dapat matapos sa kooperasyon ng mga e-wallet companies ang aksyon ng Senado dahil dapat ay maisama rin ang iba pang online platforms.
Napag-alaman ni Tulfo na ang mga kumpanya sa likod ng online gambling sites ay doble-kayod din ngayon sa paglipat sa ibang mobile applications gaya ng Viber, Telegram, Lazada, at iba pang apps.
Isa sa mga halimbawa na kanyang binanggit ang advisory ng isang online gaming site na nagsasabi sa kanilang mga kostumer na madali pa rin silang ma-access.
Isa pang aplikasyon na ginagamit para maging accessible ang online gambling ay ang Lazada, kung saan nagbebenta ng vouchers na maaaring gamitin bilang credit points para makapaglaro sa kanilang app.
Sen. Erwin nabahala sa paglipat ng online gaming sites link sa ibang mobile apps
Mer Layson