Senate probe sa flood control projects raratsada na


Gemma Garcia — Pilipino Star Ngayon

August 17, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Senado sa susunod na linggo ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y maanumalyang flood control projects.

Sinabi ni Sen. Ro­dante Marcoleta, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na ang imbestigasyon ay sisimulan sa Agosto 19, 2025.

Ayon pa kay Marcoleta, inaasahan na magiging mabigat ang imbestigasyon dahil sa laki ng halaga sa mga multi-billion projects na siyang pinag-ugatan sa umano’y korapsyon sa buong sistema ng public work system.

Hindi lang ang mga contractor ang pagtutuunan ng pansin sa imbestigasyon kundi ma­ging ang mga opisyal ng pamahalaan na umano’y hayagang nakikinabang sa mga proyekto ng flood control.

“Sabihin n’yo kung magkano binibigay n’yo sa mga taong gobyerno para hindi kayo madikdik d’yan,” saad pa ni Marcoleta.

Ang imbestigasyon ay nag-ugat matapos na ibunyag ni Pangulong Marcos na 20% ng P545 bilyong pondo sa flood control projects ay napunta lang sa 15 contractors.