Setyembre 26, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 26, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Kaya masaya ang minamahal  dahil sa naging mapagparaya ka. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at light blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang minamahal,  mawawalan ng tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 25, 29, 36 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Palagpasin sa kabilang tenga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. hahangaan ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 14, 25, 28, 33 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag mainis kung maging makulit ang mga taong nakapaligid, dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 29, 37 at brown.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Problema sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglabanan, hahantong sa sisirain ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 15, 18, 29, 37 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa bawat araw nagdaraan makakaramdam ng pagka-inip. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 41 at pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Mali ang inaakala ng lahat na hindi mo dinadamdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 35, 42 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magiging masaya ang susunod na mga araw pero sad ka ngayon dahil sa problema. Laban lang! Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 38, 41 at yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Isipin ng mabuti ang mga dapat na ga-wing hakbang bago kumilos para maiwasan ang magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 26, 37 at lilac.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob, pagbigyan ang kahilingan ng nakararami. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 34, 40 at jade green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 36, 39 at fuchsia.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung meron kang pangangailangan, ngayon makikilala ang tunay na mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 37 at sky blue.