SGA, Thunder pinabagsak ang Hawks


ATLANTA — Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points para sa patuloy na dominasyon ng Oklahoma City Thunder sa Eastern Conference matapos dakmain ang Hawks, 135-119.

Umiskor si Luguentz Dort ng 20 points para pa­mu­nuan ang long-range assault ng Oklahoma City (48-11) sa kanyang anim na three-point shots.

Humakot si center On­ye­ka Okongwu ng 23 points at 13 rebounds para sa At­lanta (27-33).

Nakadikit ang Hawks sa 64-71 sa halftime matapos maiwanan sa 25-45.

Sa likod ni Gilgeous-Ale­xander ay muling nakawala ang Thunder para sa 91-81 bentahe patungo sa 108-84 kalamangan papasok sa fourth quarter.

Sa Detroit, nagkadena si Nikola Jokic ng triple-double na 23 points, 17 rebounds at 15 assists sa 134-119 paggi­ba ng Denver Nuggets (39-21) sa Pistons (33-27).

Sa Boston, bumanat si Donovan Mitchell ng 41 points sa 123-116 pagsapaw ng Cleveland Cavaliers (49-10) sa nagdedepensang Celtics (42-18).

Sa Salt Lake City, ipina­sok ni Walker Kessler ang dunk sa hu­ling 9.7 segundo sa 117-116 pag­lusot ng Utah Jazz (15-44) sa Minnesota Timber­wolves (32-29).